Sinubukan ko na pagdugtong-dugtungin
Ang mga taludtura't sila'y pagbigkisin
Upang damahin ang kanilang pag-giling
Sa puso ko'y nagsasaya't naglalambing...
At tiyaki't kilalanin kung sino siya
Na nagbibigay liwanag at pag-asa
Sa palipad-titik - naguhit ang mukha
Sinisipat ko nguni't 'di ko makita...
At tuloy nanahan sa aking isipan
Pati puso ko'y naghanap ng kasagutan
Na malaman ang tunay n'yang katauhan
Upang siya ay aking pasalamatan...
Sana itong awit ko't pananambitan
Nawa'y lipari't makarating kay Kabayan!
paul pruel, riyadh, ksa (ppruel@yahoo.com)





